Alam ko na may panglalait na naman akong matatanggap mula sa akin no. 1 fan na si Kuya Macky, hindi lamang dahil sa post na ito pero dahil pinanood ko ito. I broke his 10 film manifesto. Lol
Pero ganun talaga, kanya-kanyang trip lang yan. I just wanna have fun and have a break sa mga intellegent films para marelax naman.
So first things first: don’t expect so much "kalaliman" on the film. Kaya nga comedy e. so habang pumipila kayo sa NFA ng bigas sinehan which by the way, palong-palo sa haba, kaloka lang, huwag muang magpaka-GC and ihanda ang inyong mga panga dahil tatawa lang kayo sa buong movie.
*SPOILER ALERT*
Nagstart ang Praybeyt Benjamin sa history ng pamilyang Benjamin Santos. Ika nga ni General Benjamin Santos, played by Eddie Garcia, "laging may Benjamin Santos sa mga digmaan sa Pilipinas." Kaso si Ben Santos (Jimmy Santos), walang hilig sa pagsusundalo at bagkus mas gusto niyang maging scientist. Sa madaling sabi, napalayas sila sa bahay at namuhay ng simple lamang.
Kahit itinakwil sila ng kanyang ama, namuhay naman sina Ben ng masaya. Patuloy pa rin siya sa pag-i-imbento ng mga kung anu-anong bagay na maaaring magamit sa pandirigma (so nasa dugo pa rin niya ang pakikidigma). Tanggap niya na beki ang kanyang panganay na anak na si Benjamin (Vice Ganda). Kahit hindi na sila kasing yaman noon, okay lang naman sila.
Trivia: Ang bahay nila Benjamin ay super lapit lang sa amin. Sabi ng ng friend ko while watching, "Ang taray, dinadaanan lang natin yan, hindi natin alam na may shooting na pala dyan." Super gamit na damit ang bahay na iyon. Ito yung bahay nila Claudine sa FLAMES The Movie at nina Assunta sa Pinay Pie.
So para maging pelikula ang istorya na ito, kailangan ng conflict. Natuklasan ng kanyang lolo na siya ay beki. Natural nagalit ito at sinabing "You are a disgrace in the family." So kahit ganun, move on na lang sa buhay sina Benjamin.
Hindi pa naman yan ang conflict talaga. Nagkaroon ng civil war sa Pilipinas dahil sa pagkakadakip ni Billy Allen, lider ng mga terorista. Lahat ng mga general sa bansa ay nadakip. So lahat ng mga lalaki sa bawat pamilya ay dapat sumama at mgasanay bilang sundala bilang paghahanda sa digmaan, At dahil nga walang lalaki sa pamilya ni Benjamin, ang tatay niyang si Ben ang magiging kinatawan ng kanilang pamilya. Dito na magsisismula ang mala-Mulan na kwento ni Benjamin.
Trulaloo! Mulan ang peg ng PB. Nagsacrifice si Benjamin alang-alang sa kanyang amang may kung anu-anong sakit. Sa kampo, naging friends sila ni Lucresia (Nikki Valdez), ang tanging babae sa kanilang platoon at ang unang nakapuna ng pagiging beki ni Benjie. Naging katropa din niya sina Emerson (Kean Cipriano), Dondi (DJ Durano), Buhawi (Vandolph Quizon) Big Boy (Ricky Rivero), Jojit Lorenzo (shet nakalimutan ko yung name niya sa movie) at isang non-showbiz (means hindi ko kilala). Ang grupo nila ang bumubuo sa mga weak. Dahil dito i-di-disolve na ang kanilang platoon.
But wait! Using their platoon commander (Derek Ramsey) as inspiration , pinabutihan ni Benjie ang pagsasanay, and in return, na inspire din ang kanyang friends and they live happily ever after kaya hindi sila na-evict sa camp. Pero tulad nga sa Mulan, natuklasan na isa siya beki so ayun, forced evicted siya sa camp. At dahil friends forever sila, kasama pa rin niya na umalis sa camp ang kanyang mga tropa.
The Hilda Coronel scene.
Naalimpungatan sila sa ingay ng mga sasakyan habang sila ay nasa kagubatan. So sinundan nila ito para makahingi ng tulong. Kaso natuklasan nila na iyon pala ang kuta ng mga rebelde. Kung nagtataka kayo kung ano ang Hilda Coronel scene, just watch the movie.
At dahil nga Mulan ang peg niyo (3 times ko ng inuulit ito ah!) Hindi sila pinaniwalaan na alam na nila ang kampo ng mga rebelde. At dahil dito, sila na lang ang sumugod sa kampo. Gamit ang mga armas na imbento ni Ben, napagtagumpayan nilang lipunin ang mga kaaway at mailigtas ang kanyang lolo.
Suma tutal, nakwento ko na naman ang buong movie minus the banatan,
I love the moview because:
- Super hilarious ang movie na ito. Bentang-benta ang mga jokes/barahan sa movie na ito.
- This movie shows na hindi naman lahat ng ama ay itinatakwil ang kanilang mga anak. I have beki friends na tanggap sila ng kanilang mga ama kahit beki sila. Nakakatuwa si Jimmy Santos as father ni Vice.
- Kakawindang ang scene na kung saan nagbekimese si Eddie Garcia!
- Infairness, ang galing ng acting ni Kean dito.
- Syempre nakakatuwa rin yung the rest of the tropa ni Benjie.
- Infairness walang beach scene
Syempre kung may love ako about this movie, may kapuna-puna din naman kahit na hindi ka na dapat mag-expect too much:
- Bakit ganun, kapag comedy ang movie keilangan may action (Kimmy Dora, Habadaba doo, and other Pinoy comedies) kailangan may action scene, at ang mga bidang comediante ay laging marunong gumamit ng baril.
- Ang taba uli ni Ricky Rivero.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, don't expect too much sa movie. Siguro maaari ko itong i-categorized as a "feel-good movie". Pero hindi ba, isa naman sa dahilan why we watch movie is because we just want to entertain?
P.S
Ayan, kung nag expect kayo ng maraming trivia, isa lang ang masasabi ko…
Hala!
1 comment:
Not recommended for hardcore movie critics.
This is not the type of film that must be taken seriously.
Post a Comment