Tuesday, September 27, 2011

Review-Reviewhan: Amazing Twins




Bago pa dumating ang F4 (Taiwanese Version) para i-invade ang primetime, fan na ako ng mga Asian dramas. Ang una kong napanood, base sa aking alaala ay ang Amazing Twins na pinapalabas tuwing Byernes sa IBC 13, noong buhay pa ito. Alam ko na meron pa akong napapanood na ganito bago ang Amazing Twins. May mga Chinese  drama na sa ABS, alam mo ito pag maaga kang gumising. 6 am ang airing. 9 -11 years old pa yata ako niyan, ang mga panahon na nagmamarathon ako ng mga cartoons sa Cartoon Network. 7 am to 10 am yun e, pero sa ibang post ko na lang ito.


Obvious naman sa title, story ito ng "twins" na nagkahiwalay noong sila ay sanggol pa lamang. Kalaunan sila ay lumaki na magkaiba ang estado s buhay, si Chalie ay napunta sa isang pamilyang may-ari ng pinakamalaking casino sa kanilang bayan, habang si Gary naman ay lumaki sa simpleng pamilya. Hindi sila magkasundo sa una nilang pagkikita ngunit ng lumaon, pareho silang nagtulong upang malaman ang tunay nilang pagkatao.


Super adik ako nun sa Amazing Twins. Kinabisado ko talaga yung OST nun na tagalog, At dahil nasa internet age na tayo, nahanap ko sa internet ang lyrics:


Puso kong nabihag mo na
I
Di akalain sayo pala ay may pagtingin
Diba noon halos di kakausapin
Di binibigyan pansin
Sa ihip ng hangin
Ang nagbulong ng pag ibig
Di man narinig
Ang puso koy saadyang naglalambing
Di mo lang napapansin
II
Ikaw lang ang tanging mahal
Asahan sayo ay tapat
Kahit ano pa man sabihin nila
Hinding hindi na magbabago
Pag ibig koy sayong sayo...
(chorus)
Pilitin man limutin ka
Pag ibig di mag iiba
Ikaw ang tanging mahal
Na nagbigay kulay sa aking buhay
Saya wala ng papantay
Puso ko man ay nalulunod na
Sa lalim ng aking pag iisa
Ikaw o aking sinta ang siyang sasagip
Sa puso kong nabihag mo na....


Infairness maganda naman kasi ang kanta. Yan yung mga time na matino pa ang pagtagalized ng mga foreign songs. Nabibigayan nila ng justice ang mga magagandang kanta di tulad ngayon. Next post ko na lang uli ang rant ko na ito.


Balik sa Amazing twins, may pakulo dati ang Viva, sila kasi ang distributor ng Amazing Twins nung time na yun, magazine na parang komiks ng Amazing Twins, may mga posters, profiles ng mga artista, at iba't ibang ka-ek-ekan. P70 ang price nito noon, at dahil elementary pa lang ako nito, dukha much pa ako, 10 pesos lang ang baon ko nito. Kaso maliit pa lang ako, PG na ako, di ko keri mag diet, kaya ayun halos 1 month ako nag ipon ng P 70. May malapit na Video City sa amin. At syempre grade 5 pa lang ako nito, feeling ko super layo ng nilalakad ko. Kasama ang classmate ko, pumunta kami sa Video City, kahit wala siyang idea kung ano ang gagawin namin dun. Habang naglalakad kami papunta dun, feeling ko 10 years na ang nakalipas. Grabe haggardness na naman kaagad nun, at lalo akong naging nita. Sa hinaba-haba ng journey namin, ayun, sold out na daw. Kasi naman 1 month ago pa yun, meron pa naman daw sa isang branch ng VC sa San Andres. Masaya na sana e, kaso  kung sa VC na malapit sa amin nalalayuan na ako, mas di hamak na malayo naman talaga ang VC sa San Andres dahil kailangan pang tumawid ng Osmenia Highway. Nang mga time na yun, hindi ko pa talaga keri ang tumawid sa mga highway. Sa kalye pa ga lang sa amin, maraming beses na akong muntikang masagasaan, malamang hindi malayong mangyari iyon sa highway. Pero dahil sa encourage ment ng aking classmate, ayun, tinahak namin ang daan patungo sa VC San Andres.


Feeling ko another 10  years ang lumipa bago namin narating ang Osmenia Highway. Pero hindi namin nagawang makatawid sa kabilang kalye dahil natatakot ako at super haggardness na kami kasi malayo pa ang lalakarin namin, kasing layo ng bahay namin sa Osmenia Highway. So balik to barracks ang beauty naming dalawa. At sa 7-11 nakarating ang aking P70… Iyon ang aking una at huling attempt na bumili ng Amazing twins Magazine, Ate Charo.


Background sa mga charcters:





Charlie- played by Jimmy Lin. Lumaki sa mayamang pamilya. He uses his wit and cunning skills para manalo sa  mga laban. May love-hate relationship siya kay Camille, at may gusto naman sa kanya si Bianca.









Gary- Kabaligtaran naman siya ni Charlie. Kung si Charlie ay sociable, siya naman ang shy type. Bihasa siya sa martial arts. He is secretly in love with bianca, pero dahil nga torpe siya, at mas obvious na may gusto si Bianca kay Charlie, martir-martiran siya. But in the end, naging happy naman siya with Bianca. 




Camille- her mysterious aura arouse Charlie's curiosity. Sa sobrang mysterious niya, shocking ang mga revelations about her identity. She is in love with Charlie and ready to protect Charlie no matter what happens.






Bianca
- Isang prinsesa, seeks for revenge para sa kanyang father na namatay. Sa umpisa ng series, badtrip siya kay Charlie and Gary, pero kalaunan nagka-crush siya kay Charlie dahil sila ang magkalevel ng status ng konti pero civil naman siya kay Gary. But in the end, nerealized naman niya love siya ni Gary.




Ayan ha, effort sa paghahanap ng pic.

Story wise, creative ang mga Taiwanese. Hindi madaling hulaan ang mga eksena. Well except sa mga magkakatuluyan, obviously ang mga magpartner ay si Charlie at Camille, then Gary at Bianca.  Pero grabe ang mga pasabog-- literal at figuratively. Literal kasi puro warla to. At figuratively dahil sa mga revelations sa mga bawat mga character. At first akala natin yun na ang character nila throughout the series, hindi pa pala. Hindi kaagad-agad malalaman kung sino ang kakampi at kalaban.


Sa acting side naman, keri naman. Kaloka, yun lang ang nasabi ko. Pero minsan nakakatuwa yung mga scenes na may pasabog, kawindang lang kasi nauuna pang tumalon ang mga tao bago may sumabog. Pero infairness, havey ang kanilang mga fight scenes, except lang talaga sa mga pasabog scenes.


In conclusion, love na love ko talaga ang series na ito. Well obvious naman sa mga pinagdaanan ko sa series na ito. Wah! Kailangan kong makahanap ng dvd nito, gusto ko na tuloy mag-dvd mrathon nito.
Trivia: The Legendary Twin 2 ang title pala nito sa Taiwan. Yung Legendary Twins 1, yun yung story ng father nila. Nawindang ako dito. Produced in 2002.



10 comments:

Jeany Rose Alcuizar said...

I like this asianovela.. nanood rin ako nito noon... hindi ko nga lang maalala kung anong year lumabas... ang cute nga nito.. tnx for posting.. naalala ko ang kabataan ko.. :)

Cher said...

Thank you di at naligaw ka dito sa site ko. Just checked your site, mahilig ka rin pala sa pocketbooks. Me too, isama ko na rin sa list ng mga gagawan ko ng post yung about pocketbooks. =)

benjie said...

saang site ba pwede mapanuod ang amazing twins tagalog version

Unknown said...

may magandang song na ginamit dito nung aired pa toh sa 2. love song sya n medyo slow at naririnig ko lang yun pag moment na ng bida at leading lady nila.. diko tanda eh.. pero hindi eto yung song na "puso kung nabihag mo" sana tanda mo pa khit slight na lyrics lang..matagal ko na kc iyong hinahanap

Unknown said...

Maganda nga to. Eto ang isa sa mga palabas na pinakapaborito ko nung grade 5 ako :) kinakabisado ko pa dati mga pangalan nila e kada labas ng ending nila. May cast of characters sa dulo lagi ko tinatandaan hanggang sa sinulat ko na lang lahat ng name nila para di ko malimutan. So yun nga :D

Unknown said...

may kopya ka ba ng full movie nito na tagalog?

Unknown said...

Hi po ask ko lang po san ko kaha pwedeng mapanuod to full episodes tagalog version thank you

jomar22 said...

goodevening maam :) san po ba ako makakahanap ng complete ep in tagalog dub ng amazing twins? matagal na po akong naghahanap ee dito po ako napunta sa blog nyo kung meron po kayo sana maishare nyo po salamat ng marami maam :)

Unknown said...

Penge ren po ako ng link pasa nyo sa gmail ko nakakamiss kc panuorin 2 eh hype.19beast95@gmail.com or true my fb acc n lang po jabbamaster_07@yahoo.com preffered ko po sana ung tagalog

Unknown said...

Galing ng gumawa ng article ah haha, ako dn inaabangan q to xa ibc. Kaso hnd q madalas npapanuod kc katapat dati ng news kea pasimple q nlang nili2pat mkanuod lang haha 😂