Meteor Garden, Hana yori Dango, Boys Over Flowers….
Sasakalin ko ang hindi alam ang mga series na yan. Mamatay na ang hindi nakakakilala sa F4. Manhid lang ang hindi kinilig kina Dao Ming Si at San Chai; Domyouji at Tsukushi; at Jun Pyo at Jan Di.
Hindi ko na ilalagay ang synopsis ng movie dahil sa tatlong versions na ito, pareho pa rin naman ang plot.
Things I like about these series arrange by version:
MG
- Very special ito sa akin dahil ito ang nagpakilala sa buong Pilipinas kay Dom Yuji at sa buong F$. Ito ang nagpasimula ng panibagong plot ng tv series bukod sa walang kamatayang agawan ng anak na namaster na ng mga locally produced drama sa Pilipinas.
- Dao Ming Si- I love him because of his imperfections. Kahit hot headed siya, love na love niya si San Chai and he would do anything to fight for their love.
- I like yung hair ni San Chai. Super straight in fairness.
- I love the opening and closing song. Naging national anthem ng buong Pilipinas ang mga kanta ng F4. Kahit hindi maintindihan ang lyrics, keri na rin. Buti na lang ginawan ng tagalog version ng ABS, mas lalo tuloy pumatok.
- I love the Meteor Rain, lalo na yung part ng kay Vaness Wu. Grabe, nakaka-in-love ang story niya, Sayang di sila nagkatuluyan nung girl.
HYD
- Una sa listahan, Matsumoto Jun. I love him!!! Grabe ang portrayal niya sa Domyouji. Sa tatlong versions, siya yung para sa akin, ang pinaka-caring and thoughtful. Astigin din siya.
- Cute si Tsukushi dito. Mas angat ang portrayal niya comapared sa dalawang versions.
- Mas evil dito ang mother ni Domyouji.
- I love the ending ng season one nito, lalo na yung last shot.
Ang taray diba? |
- Gusto ko magkaroon ng saturn necklace dahil dito, super protective talaga kay Makno si Dom Yuji.
I want this! |
BOF
- Kinikilig ako kay Woo Bin kaysa kay Jun Pyo dito.
Hay... akin ka na lang Woobin. |
- Bukod kay Woo Bin, una kong naging crush si Kim Bum dito.
Ladies Man |
- Ang ganda ni Seo Hyun dito.
- Bongga din ang OST nila dito. Lakas maka LSS ang Paradise.
- Ang sweet nung helicoper scene.
Ang cute diba? |
Bukod sa plain series nila, may kanya-kanya ring pasabog ang mga iba't ibang versions.
Ang MG may Meteor Rain kung saan may backstory ang F4.
Sa HYD, may movie sila, dito tinapos ang love story ni Tsukushi at Domyuji. Super love ko ang movie na ito, Super kilig. Dito mas pinakita na super love ni Domyuji si Tsukasa at kahit anong mangyari hindi niya hahayaan na magkahiwalay sila. Super sweet nung ending scene nito… Hay… isa sa mga defining moment dito is yung tinanong ni Tsukushi si Domyuji kung ano ang kanyang dream, and Domyuji points at Tsukushi… ang sweet!
Sa BOF naman, may backstory din sila about sa F4. Kawawa naman si Woo Bin… akin ka na lang.
Kung ako ang tatanungin niyo kung ano nga ba ang mas magandang version para sa akin, HYD kaagad ng isasagot ko. Wala lang. Mas na feel ko kasi ang portrayal nila e. Ang cute ngumiti ni Matsumoto Jun. Saka mas magaganda ng quotable quotes nila dito.
Halata na ba na super kinikilig ako habang ginagawa ko ito?
1 comment:
Me too :) HYD ang bet ko
Post a Comment