Monday, September 5, 2011

Side Comment: Time is Gold


Alam kong cliché na ang pamagat ng aking entry.Pero totoo naman talaga ito diba? May recent happenings kasi sa buhay ko, super recent-- kagabi lang. Last minute ko na lang nalaman na cancelled na pala. NAMAN! Napilitan na nga lang akong gawin iyon, sila na nga nag-set ng time. E paano kung may gagawin pala ako at that time at nag adjust ng schedule (yes, I'm super busy) to give way sa activity na yun not knowing na cancelled na pala due to unknown reason.  Hays…

I am super organized person. Naiinis ako kapag hindi nangyari ang isang bagay o gawain ayon sa schedule. I make sure na ayusin ang schedule ko ahead of time. For example, ang mga balak kong gawin na na-foresee ko na one month before the actual activity, narecord ko na sa aking intenal memory at sa aking planner (both cell phone and computer). I have high respect on other's precious time and at the same time, I expect na ganun din sila sa akin. Madali akong mainis sa paligoy-ligoy na usapan. Mas okay kung sabihin mo na kung ano ang agenda.


Noong nag-aaral pa ako, which is not so long time ago,  I only have 2 or 3 absences noong elementary to college. May mga school year pa nga na perfect attendance ako. Minsan lang din akong malate. Kapag may pasok, I see to it na one hour before the time nasa school na ako. Walking distance lang ang bahay namin mula sa aking school noong elementary at high school. Noong college naman, I have to allot one hour travel time. Kapag sinuwerte at hataw jeep ang nasakyan ko, walang traffic at walang rally sa may Faura o kaya naman sadyang madiskarte lang si manong driver sa pag-iwas sa iba't ibang elemento, 30 minutes lang ang travel time ko.


Sa mga job interviews ko (akala mo ang dami, 2 lang naman) halos ako na nag-o-open ng office sa sobrang aga ko. Yung una, ang sched for interview ay 9:30 am, ako na super excited, 7 am ako umalis sa bahay sa pag aakalang super layo sa amin ng Taguig and baka ma stuck ako sa traffic, ayun, 2 rides lang pala ang 3 tumbling and split lang pala nandun na ako. And guess what time ako dumating…. 7:45 am. Ako na ang pinaka early, akala ng guard 8 am ang interview ko.  Ayun si watashi, mas lalong kinakabahan habang naghihintay.  Another job interview naman, 8 am ang time, 6 am ako umalis sa amin, super lapit lang din sa amin ang place ,2 rides and 1 tambling, ayun, 7 am ako nakarating. Nauna pa ako sa mga empleyado dumating.


*sana po hindi nila mahalata na nagmamayabang ako at ako na ang super early. amen*


Kaso nga lang hindi naman pare-pareho ang tao, may mga tao na sadyang gusto na ahead of time sila *ehem*. May iba naman na feel na important person sila kaya super magpaka-late kasi nga sila ang star (marami akong kilalang ganito. May mga sadyang hindi naman na hindi nila kasalamanan na *sarcastic mode on* malayo ang bahay nila, di tumunog ang alarm clock at minalas na traffic *sarcastic mode off*


Ano nga ba ang gusto kong ipunto at apat na paragraph na ako, parang walang sense ang mga pinagsususlat ko. Well isa lang naman talaga, Respeto. Kung may respeto tayo sa ating kapwa, hindi natin hahayaan na paghintayin sila. Ang simple lang diba? Nakakabastos kasi, take note: Bastos, kasi na super hintay ka wala man lang tawag o text message na male-late o hindi na pupunta 3 hours before the call time or worst cancelled na pala ang lakad.


Aside sa nahighblood ka sa late na pagdating ng ka-meet mo, mas nakakaimbyerna na mainisip na pinag-aksayahan mo rin siya ng pera. May isa akong kakilala na pagnakapag set siya ng appointment, he/she make sure that he clears his schedule for the day. Meaning, he/she give importance sa kanyang kausap and he respects his/her time. Kaya kapag nacancel ang appointment na iyon, he feels na nabastos siya, inayang ang kanyang precious time  at he will never ever set an apoointment with the same person. Napagod ka na sa pag effoort na pumunta on time, despite the heavy traffic and all, nagastusan ka na sa pamasahe and ang nakakainis, kinansel mo pa ang isang worth it na appointment over that  $*@%&. Time and money.


Don’t get me wrong, I have friends na super late. At dahil mabuti akong kabigan at nasanay na ako, naghihintay naman ako. Mareklamo lang ako pero naghihintay ako. Kahit naiinis na ako at naiinip na ako, naghihintay ako. Madalas, may mga lakad kami na nakakansel dahil sa:


a) walang pera
b) nakalimutan
c) overselpt
d) super emergency
e) trip lang na i-cancel.


Ang haba na ng listahan ng cancelled na mga lakad dahil sa all of the above na yan. Ayun, friends pa rin kami. Wala naman akong magagawa. *emo*


Dahil Cherry's List ito, heto ang tips to be early bird just like me:

Una na sa lahat, sleep early. Make sure na you have enough sleep para hindi ka malate. Kung ang pasok/lakad/appointment mo ay 8 am, dapat 9 or 10 pm, nagbabalak ka ng matulog. Pero may mga ritwal ka munang dapat gawin para masaya.





Before sleeping:

1.Mag-set ng alarm sa cellphone. Kung 3 ang phone mo, much better. I set ng 3 hours before ng takdang oras bago ka umalis. Take note 3 hours. For example, 8 am ang time ng pasok mo (ulit uli) at one hour ang travel time, dapat gising ka na ng 5 am or ang pinaka late na gising mo ay 6 am. Pero dahil nakakatamad bungaon ng 5 am at super late na ang 6 am sa tagal mong maligo, mag set ka ng alarm ng 5 am, 5:30 am, 5:45 am at 6 am. Ewan ko na lang kung di ka matuliro sa kaka-alarm ng phone/clock mo. Super tried and tested na ito. 8 am din ang pasok ko, at dahil malapit lang naman ang officeko sa bahay namin, nag aalarm ako ng 5:30, 5:45 am at 6 am. Mahilig din kasi ako noon sa 5 minutes pa, kaka-5 minutes ko, 6:30 na pala. Pag sunod-sunod ang alarm mo, at least aware ka na 30 minute na pala ang lumipas at hindi 5 minutes lamang.



2.Sikaping makatulog ka agad. Hindi ko alam kung ano ang way mo ng pagtulog, pero ang isa sa mga bawal ang magtext. Paano ka naman makakatulog niyan kung kinikilig-kilig ka pa dyan sa mga katext mo. Alarm clock ang silbi ng cellphone sa iyong pagtulog, Umayos ka.




Next morning:


Ayan gising ka na, at binabasa mo pa rin itong listahan ko. Ang next mo namang dapat isa alang-alang ay ang pag budget ng time mo. May 1 hour kang allotted time para sa pagkain, pagligo at pagbihis mo, Remember 1 hour lamang. Kung 1 hour ka sa CR, 4 am ka gumising. Matutong mag-adjust.




7 am


Ayan na. One hour before ng pasok mo. Make sure na 7 ka talaga aalis sa bahay niyo kasi hindi pa masyadong maraming tao nito kung kapitbahay kita. Syempre depende pa rin ito sa layo sa inyo ng iyong pupuntahan. Sa akin kasi,30 minutes lang ang travel time ko. E kung 2 hours pala ang travel time mo, malis ng mas maaga o kaya find another job/school.



Sana naman nakatulong ako sa mga simpleng tips to success be early. Tandaan na dapat nating igalang ang oras ng iba para ganun din sila sa atin. Remember the golden rule. Gets?

 







No comments: