Tuesday, September 27, 2011

Review-Reviewhan: Syungkyunkwan Scandal




Ang pinakarecent na series na kinaadikan ko… well hindi naman na siya recent kasi 1 year ago na ito pinalabas, pero nonetheless, kinaadikan ko talaga ito-- ang Sungkyunkwan Scandal.
Ang plot ng story is just like Hana Kimi, may girl na naligaw sa exclusive school for boys. Pero huwag kayong malinlang super different ang story nito sa Hana Kimi. Isa itong period drama, so bonggang korean traditional costume ang ganap nila dito.
Kim Yoon Hee/ Yoon Shik
Ang taray ng lola niyo.
In fairness ang pogi niya dito.
He story revolved around the life of Kim Yoon Hee, played by Park Min Yeong, ang "cross dresser" na nagtatrabaho sa isang shop, na nag-a-accommodate sa mga estudyangteng mga nagpapagawa ng kanilang mga projects and assignments. Nag self-study si Yoon Hee ng mga teachings ni Confusious. Isang factor din kasi na isang guro ang kanyang ama sa Sungkyunkwan, ang exclusive school for boys who wants to work or have a position in the government. Noong time nilang iyon kasi may discrimination pa. Lalaki lang ang may K na magkaroon ng position sa government kaya hindi na pinag-aaral ang mga girls na dukha. Ang mga girls na mayayaman, tinuturuan naman silang magbasa at magsulat, pero hindi kasing intensive sa mga boys. Taga-gawa ng kung anu-anong assignment at taga transcribe ng mga libro ang drama ni Yoon Hee dito habang siya ay nag-di-disguise as Yoon Shik, ang kanyang may sakit na brother.

In fairness, in demand ang lola mo, lalo na nung malapit na ang entrance exam sa Sungkyunkwan. Parang walang pinagkaiba ang panahon noon sa ngayon, lahat naghahangad na makapasa. May isang mayaman na nagrenta kay Yoon Hee para magpanggap na siya sa examination kasi aminado siya na di keri ng powers niya ang exam. At dahil gipit ang lola mo, baon kasi sila sa utang at naniningil na ang buhayang nautangan nila at kailangan niyang magbayad ng malaking halaga kung hindi ay siya mismo ang magiging kabayaran, at maging mnistress nito, nilunok nalang niya ang kanyang pride at pikit-matang pumayag sa set-up nilang iyon.


Lee Sun Joon.
Ang serious niya di ba?
Araw na ng test, parang wala namang kasamaang  nagaganap habang nagtetest sila sa gitna ng init ng araw. Yes, sa field sila nagtetest habang super tirik si sunshine. Ang lola mo, hindi naman pala kilala kung sino ang kanyang isa-substitute, nagkamali siya ng nabulungan. Nagkataon naman na si Lee Sun Joon , played by Micky Yoochun ng JYJ, ang kanyang nabulungan at sinulatan ng "kodigo" sa test. Si Sun Joon ay anak ng Left State minister, in short oppositionist. Super GC si Sun Joon. Mahilig siyang mag-aral dahil alam niya na siya ang susunod sa yapak ng kanyang ama. Gusto niya na laging nasa tama ang lahat ng bagay. Hindi niya kinukunsinti ang mga baluktot na gawin, tulad na lamang ng ginawa ni Yoon Hee na pandaraya sa exam.

Sa pag-aakalang boy si Yoon Hee, pinilit niya itong mag-aral sa Sungkyunkwan dahil nga alam niyang matalino ang mujer. Sa una, ayaw ni Yoon Hee kasi nga baka mabuko siya na isa siyang babae at kamatayan ang kaparusahan sa kung sino mang babae ang maglakas loob na sirain ang kanilang matagal ng tradisyon. Pero dahil sa mga priviledges tulad ng free medicine, may monthly allowance, free clothes, free bording house, at kung anu-ano pang free, napilitan siyang mag-aral sa Sungkyungkwan bilang si Yoon Shik… Dito na nagsimula ang scandal sa Sungkyunkwan University.
Mga important characters sa series na ito:

Emotero

Si Moon Jae Shin, played by Yoo Ah In, rebeldeng anak ng ministry of justice, he seeks for justice sa pagkamatay ng kanyang big brother. He is not comfortable kapag may babae sa paligid kasi palagi siniyang sinisinok. Kasamaang palad, kasama niya sa kwarto si Yoon hee, kaya lahat ng pagpipigil ay kanyang ginawa para paprotektahan si Yoon Hee.










Ladies Man.
Goo Yong Ha played by Song Joong Ki, ay ang  Vice president ng Student Council. Anak ng isang negosyante. Very conscious sa kanyang damit, Dubbed as ladies' man. Isa siya sa mga pinagkakaguluhan ng well, mga babae. Happy go lucky, pero kahit parang hindi siya seryoso sa kanyang buhay, isa naman siyang tapat na kaibigan ni jae Shin, at kalaunan maging nina Yoon Hee at Sun Joon.
At sila ang bumubuo ng Josoon Dynasty.









Things I love about this series:

  1. Not your typical love story. Akala ni Sun Joon, gay siya kasi nga na i-inlove na siya kay Yoon Shik. At umabot pa sa episode 16 bago pa niya nalaman na girlaloo si Yoon Hee.
  2. Sun joon is my ideal guy. Grabidad, sino ba ang hindi ma-i-inlove sa matalino, gwapo, mayaman at  may paninindigan na lalaki? Di ba wala! Plus factor pa ang pa-suplado effect ng lolo niyo, pero deep inside, he is caring naman pala.
  1. I also love Jae Shin. Kahit emo ang lolo niyo, in fairness gentleman siya. Evident sa kanya ang pagiging caring and protecttive kahit parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Kahit hot headed siya, handa niyang ipaglaban ang kanyng mga friends, alalo na si Yoon Hee sa mga intrigero.
  1. I also love Yoong Ha. Parang sa una kontra-bida siya kasi pinahirapan niya si Yoon Hee dahil na iinsecure siya sa angking "kagwapuhan" nito, at nadadaig siya. But nonetheless, he is a very loyal friend. Hindi niya inispluk na si Jae Shin ang pinaghahanap ng batas at si Yoon Hee ay isang mujer. In the end, his loyalty in his friends paid him off. In return, hindi din siya iniwan ng kanyang mga kaibigan noong mga panahon na siya naman ang iniintriga.
  1. I like Cho Sun, isa isyang geisha, korean version nga lang. I love her dresses. Inggit me much. I admired her kasi she struggle to be accepted sa kanilang lipunana. Hindi siya nakuntento na maging geisha na laman g habang buhay. She fell in love with Yoon Shik dahil sa paninindigan nito. Deadma siya sa Student Council president kahit pa nag-o-offer ito na maia-angat nito ang kanyang stado sa buhay.

Ang ganda niya.



  1. Kahit imbyerna ako sa president ng Student Council, I admired him kasi he really love Cho Sun despite her status. Kaya lang naman siya nag-iintriga at gumagawa ng kung anu-anong kabalbalan laban kay Yoon Shik, ay dahil sa selos niya rito. He even fight for Cho Sun laban sa kanyang ama.  I therefore conclude na si Yoon Hee din ang may kasalanan ng mga nagyari sa kanya. Joke lang ito.

Todo emote oh!


  1. I love the Confucian teachings na ginamit sa series na ito. Lahat ay kapupulutan ng aral. It must be watched ng mga nagbabalak tumakbo sa halalan.
  2. Ang dami kong natutunang korean tradition dito. Mula sa writings nila, form of government noon, at higit sa lahat family tradition na hindi nababali.
  3. Isa itong series na ito sa nagpapakita na very rich ang culture ng korea at hanggang ngayon ay walang hirap pa rin nilang na po-portray.
  4. Isa sa mga moral ng series na ito ay ang equality between men and women. Ipinakita dito na kahit babae ka, may kakayahan ka rin na mag-desisyon tulad ng mga lalaki. Na dapat ay nirerespeto ka rin at may karapatan kang umangat ang iyong estado sa buhay.

Marami pa akong gusto about sa series na ito.  Hindi naman obvious na na adik ako sa series na ito diba. Nawindang nga sa akin ng mga friends ko kasi nakwento ko sa kanila ang buong series ng isang upuan lang, with matching visual aid pa kasi may dvd ako nito. Super nagpipigil na nga ako nito na huwag ikwento ang buong series dito sa post na ito. Firt 2 episodes lang naman ang nakwento ko, don’t worry.
Sungkyunkwan Sacandal is worth watching for. Plus...
I really love the ending.
(Ayan ha, super effort ako sa paglalagay ng mga picture, level up na ako masyado.)




No comments: