Friday, September 30, 2011

Side Comment: Album ng buhay ko

Huwag kayong magpalinlang, hindi ito album ni Judy Ann.



May nabasa akong article sa internet- 50 things college students must know. Its been almost 6 months since I graduated, so parang hindi naman na dapat applicable sa akin ang aticle na ito. Pero keri lang, binasa ko pa rin. Literal na list nga ito. Nasa number 3 pa lamang ako ng nabasa ko ito:



"There’s something amazing about songs, for they bring back memories of your favorite moments. One way or another you will be listening to music on the radio or at parties, so why not make albums of these songs. Years down the road, they serve as records of your best time in life."




Oo nga ano? Bakit hindi ko ito naisipan noon. Tutal mahilig naman ako maglista , bakit hindi ko ginawa ito noong collge. Alam ko may list ako ng mga fave songs ko noong highschol ako. So ngayon, kahit 6 months-over due na ito, here my list of my true to life album, grouped in years in college ( Yung iba with explaination).



First Year College



1.      Jam- Cookie Chua and Kevin Roy

2.      Thanks to you- Tyler Collins

3.      PCD Album- Pussycat Dolls

4.      Ikaw Lamang- Silent Sanctuary



For 1 nad 2, very memorable para sa akin yung Jam and Thanks to you kasi iyon yung tinuro at kinanta ng mga batang tinuruan ko sa CWTS Outreach program namin noong 1st year ako. Lakas ng loob kong magturo ng music noon no? Kesa maglinis ako ng buong baranggay, nagtyaga na lang akong mag feeling diva sa pagtuturo sa mga bata na kumanta. Hindi alam kung anong natutunan nila sa akin, pero sa 4 Sunday na nagturo ako, intfairness, nakakaproud din naman.



For 3, Im a big fan of Pussycat Dolls, pag may gustuhan akong singer or group, buong album talaga ang minamahal ko. Kaya buong album yan, pero mas fave ko sa album na yan yung I don’t need a man. Self-explanatory.



For 4, inggitera ako. Noong napanood ko, rather namin, ang scandal videos ng mga dating members ng AP, ayun, nauto kami ni Kuya Choc na gumawa ng sarili naming video after naming manood ng basketball game sa gym ng school namin. We did our own mtv of Ikaw Lamang by Silent Sanctuary. Naka post sa youtube, pero parang awa niyo na, wag niyo ng hanapin.



Second Year College



1.      Tugon- Imago

2.      Doll Domination

3.      Teenage Love Affair- Alicia Keys

4.      Super Woman- Alicia Keys

5.      I am Sasha Fierce Album- Beyonce

6.      The Fame Album- Lady Gaga

7.      One of the Boys Album- Katy Perry



For 1, sa mga school mate ko na makakabasa nito, please don’t get me wrong. Wala akong pakialam sa mga politicl parties sa university natin because I am not a politician, get? Ang ganda lang ng kanta na ito ng Imago to the point na gusto ko itong gawan ng sariling mtv. By the way, kaya ko lang naman nalaman ang kanta na ito kasi napanood ko ang mtv na gawa ng former AP EIC for his project sa RTV subject. Try niyo rin i-search and pakinggan yung song, magagandahan din kayo.



For 2, naglabas uli ng album ang PCD at ang first single nila ang When I grow up. Do I still need to explain again?



For 3 and 4,I also love Alicia Keys lalo na noong sumikat ang song niya na Karma. Super naging theme song ko ito. Noong time na ito, busy kami sa paggawa ng aming presentation sa Ad Launch. Nagkataon naman na adik din sa pag dl (download) ng kung anu-ano ang isa kong ka-group and meron siyang buong album ni Alicia Keys, so it's copy time! These two songs ag talagang tumatak sa akin.



For 5 and 6, may I copy ko uli ang mga album na ito sa classmate ko na adik sa Torrent. Super bet ko na noon pa ang Destiny's Child and dahil ang hilig ng kapatid ko na magpatugtog ng malakas kapag nag iinternet siya, LSS ako sa Diva ni Beyonce.



I got curious naman kay Lady Gaga kaya kinopy ko na rin ang buong album niya. Hindi naman ako nagsisi kasi I love her album!



For 7, hindi ko ito hinigi sa classmate ko. Ako mismo ang nag hanap nito. Infairness, talagang inisa-isa ko talaga ang buong album niya. I got curious kasi sa I kissed a girl. Mas naging love ko siya sa Hot and Cold and na i-inggit ako sa shoes niya sa mtv ng Thinking of You.





Third Year



1.      Love Story- Taylor Swift

2.      2ne1 mini album

3.      I remember the boy- Jamie Rivera



Honestly wala akong masyado matandaan sa mga kinahiligan kong music dito. I therefore conclude, super engrossed ako kina Katy Perry and Lady Gaga nito, at hindi pwedeng mawala ang album nila sa Ipod Shuffle ko.



Pero may 3 akong songs na natatandaan ko, and therefore ang mga ito lang ang may impact sa akin.



For 1, obvious ba na buong mundo na-inlove sa kanta na ito, na pati ang prof namin ay na LSS at hina-hum habang seryoso kami sa midterms exam namin.



For 2, I love Sandara, maski nandito pa siya sa Pilipinas at hindi pa member ng 2ne1. Pero noong lumabas ang Fire, wala na, naging Blackjack na ako in an instant.



For 3, well, mahilig ako sa chikahan moments and I prefer to call it talkshow kasi super one to sawa kami magkwentuhan ng mga friends ko. E may friend ako na nag share ng kanyang moment and hiniram ng line ni Jamie Rivera na "I remember the boy, but I don’t remember the feeling anymore…" Ayun tuloy, I got LSS again sa song.





Fourth Year



1.      The Fame Monster- Lady Gaga

2.       Teenage Dream- Katy Perry

3.      Need you now- Lady Antebellum

4.      You belong with me- Taylor Swift

5.      To Anyone Album- 2ne1

6.      After All- Cher

7.      Lihim na Pag-ibig

8.      The Time- Black eyed Peas

9.      Eenie Minie- Justin Bieber

10.  Baby- Justin Bieber

11.  Friday- Rebecca Black

12.  Price Tag- Jessie J

13.  Just a dream- Nelly

14.  Not afraid- Eminem

15.  Jeepney Love Story- Yeng Constantino

16.  VST Songs



For 1 and 2, sariling sikap ako sa pag dl dyan. No need to explain ah.



For 3, pag naririnig ko ang kanta na yan, super naaalala ko yung overnight namin sa AP. Kasi ba naman, one to sawa na pinagtugtog ng kasama namin sa AP yan habang natutulog kami. E pag wala pa naman ako sa bahay namin, mababaw lang ang tulog ko. Kahit nakapikit ako at nakahiga na hindi gumagalaw, naririnig ko ang pinag-uusapan sa aking paligid. Sino ba anman ang hindi ma LSS sa "It’s a quarter after 1, I all alone and I need you now…" Minsan nag trip kami, pag mag-o-overnight kami, inaabangan namin ang quearter after 1, tapos kakantahin namin ang Need you now.Adik much.



For 4, hay naku, super LSS talaga ako dito. Ang cute pa ng video. Di ako masyadong fan ni Taylor, pero may mga songs niya na super like much ko. I have the whole album pero di ko trip yung iba, though maganda din naman.



For 5, obviously, Blackjack nga ako. Inggit me much noong bumili yung BFF ko ng album na ito. Todo picture ang watashi, at nag feeling may-ari ng album sa dami ng pics. Ako na.



For 6, I know na super tagal na nitong kanta na ito. May nabasa kasi ako na true to life love story na super nakakakilig. Actually hindi naman talaga nila theme song ang After All, pero parang patterned sa song ang kanilang love story. Yung number 7 naman, original composition ng guy na yun way back in college and he did it for the same girl na wife na niya ngayon. Sweet!



For 8, wala lang. trip ko lang ang beat ng The Time lalo na pag nagbabyahe papuntang school noon.



For 9 and 10, sinong hindi ma LSS sa mga songs na ito kung sa bawat kanto, radio at TV pinapatugtog ito. Wala na akong nagawa.



For 11, wag niyo kong awayin. Maski rin nman ako super hate ko itong super autotune na ito. But what the heck! Lakas maka LSS ng "Party'n, party'n, yeaah! (repeat 1 million times)" Ang plastic din nung iba, sasabihin hate yung song, pero everytime mag internet laging pinapatugtog yung song. Makaka 80 M ++++++ and counting ba yun ng wala pang one month at makakakuha ng so much attention kung hindi rin sa mga netizens? Ayan tuloy friends sila ni Katy! Gawa din kaya ako ng autotuned song then warlahin niyo ako para mapansin naman ako ni Katy? LOL



For 12, chill chill lang ang song na ito and simple lang ang message, "It's not about the money…. We just wanna make the world dance." See?



For 13, kasalanan ng mga kapitbahay naming mga tambay kung bakit ko nagustuhan si Nelly. Naalala ko tuloy nung elementary pa ako, one to sawa nila pinapatugtog ang mga songs ni Nelly and other foreign rappers. Isama na ang number 14 na song ni Eminem, sino ba naman ang hindi nakaka appreciate sa kanya na ka-age ko?



For 15, lahat naman siguro ng mga single ladies out there, somehow nakakarelate sa song na ito. Lahat tayo nagpapantasya na makita ang ating dream boy sa kahit saan tayo magpunta. Super chill lang din na pakinggan pag nasa biyahe ka.



For 16, grabe wlang kupas pa rin ang mga kanta na ito khit super thunders na. Sino ba naman ang hindi ma-LSS kung habang nag lelay-out ka ng dyaryo or nag gagawa ng assignments, article or tamang tambay lang sa AP office, one to saw din patugtugin ito ni Florence pag tinamaan ng topak. Take note, naka repeat all yan at super lakas ng volume.



----



See, every song may special meaning sa akin? Ako na mahilig mag-emo. Pero diba, kaya nga may music para meron tayong balik-balikan namga memories, sad man o happy yun. Music makes the world move around. Bawat galaw natin, may kaakibat na song para sa atin, Unfortuantely, wala akong kayang patugtugin na mga instruments except sa Angklung. Songer lang ako. So itong post na ito ay isang proof na...



Music is my Life.


No comments: