Oh my! September na, I already smell the Christmas Season <insert Joy to the world.mp3 here>. Ay lab et! At dahil papalapit na ang pasko, papalapit na rin ang birthday ko, huhuhu. Wag kayong mag-alala, hindi naman ako magpaparamdam dun, di niyo rin malalaman kung kelan. Pero pag dating ng pasko, ako ay muling mabubuhay, parang si Papa Jesus lang, para mangubra ng mga regalo, hahaha...
Seryoso ako guys, dahil mahal ko kayo, hindi ko na kayo papahirapan na mag-isip ng ireregalo niyo sa akin sa dalawang darating na okasyon na darating.
Huwag kayong mag-alala, marami naman kayong choices. I am ready enough para hindi kayo magkapare-pareho ng gift sa akin. Sa sobrang dami ng gusto ko, i-gu-group ko na lang ang mga ito into categories.
Mag start muna ako sa BOOKS.
Isa sa pangarap ko na kailangan matupad before I turned 30, bukod sa home theater, ay Library. Minsan noong bata ako, pinangarap ko rin maging Librarian, tutal bagay naman sa aura ko, pero tamad akong magmemorize ng mga code, kaya cancel. Pero magkaganoon man, hindi ito naging hadlang para itigil ko na ang aking hilig sa mga aklat. Huwag kayong masyadong umasa, hindi ako mayadong mahilig sa Harry Potter and Twilight, Chic Lit ang genre ko. Mahilig din ako sa mga akdang-Filipino. Mahilig akong magtago ng mga article, short stories at essays na galing sa mga dyaryo at magazines.
Mas lalo akong na obssess sa mga libro dahil sa aking friend na si Florence. Siya ang salarin sa lahat ng ito. Naging tambayan na kasi namin ang Booksale, National Bookstore at Powerbooks.
At dahil nitong Sabado ay nag-raid na naman ako sa Booksale SM Manila, naalala ko na naman ang mga books na gustong-gusto ko. So heto na ang list ng mga books na pwede ninyong pamilian at ang mga dahilan kung bakit gusto ko ng mga librong iyon.
Una sa aking list ang Like water for chocolate by Laura Esquivel;
Dahil nakita ko na ang Everyone worth knowing last week, sa Booksale sa Robinson's Place Ermita, yung Last night at Chateau Marmont na lang ang kulang ko sa aking Lauren Weisberger collection;
Pwede din ang ABNKKBSNPLAko, bakit baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Judas, Kapitan Sino at MacArthur ni Bob Ong;
Gusto ko din ng Young Blood Collection 1 and 2 ng Philippine Daily Inquirer;
Isama na ang 500 people you will meet in hell ni Jessica Zafra;
O kaya naman ang koleksyon ng mga maikling kwento ni Genoveva Edrosa-Matute;
Like ko din ng Pride and Prejudice of Jane Austen.
Ito na ang pinakamahirap na hanapin: Lyrical Life: A rock 'n roll love story told in 200 Song lyrics, pero pag nabigay niyo ito, ako na pinakamasayang tao this Christmas .
Heto na lang muna, hindi ko pa tapos yung mga listahan ko ng books na gusto ko.
Update:
May nakita na naman akong book... yung A Love Story ni Erich Segal. Saka pala yung book ni Ellen Degeneres, isa lang naman yung book niya e.
Update:
May nakita na naman akong book... yung A Love Story ni Erich Segal. Saka pala yung book ni Ellen Degeneres, isa lang naman yung book niya e.
---
After ng books, gusto ko rin pala ng notebooks and pens. Take note: hindi ordinaryong notebook and pen, baka naman cathleya at panda lang inigay niyo, kuripot much? Syempre dapat extra-ordinary notebook and colorful pens. Bukod sa books, mahilig din akong mag collect ng iba't ibang notebooks and color ng pens.
---
Bago ko pa ito isulat itong post na ito, super dami ang mga bagay na gusto kong maging gift.. And as I write this paragraph, parang nawalang parang bula ang mga gusto… isa lamang ang ibig sabihin nito, hindi naman pala ako ganun ka materialistic. Infairness naman ah, halos wala pa yang 500. except yung Lyrical Life. Nonetheless, affortable naman di ba? Sa gadgets naman, I want an Iphone, Blackberry Curve or Sony Ericson Xperia. Want lang naman e, hindi ko need saka kabibili ko pa lang sa baby Corby 2 ko, and so far masaya pa naman ako sa kanya.
No comments:
Post a Comment